Nagbabala at hinamon ni Chief Inspector Jovie Espenido ng Ozamiz PNP ang mga tiwaling pulitiko partikular na ang mga alkalde na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.
Ayon kay Espenido, mas makabubuti para sa mga iyon ang magbitiw na lamang sa puwesto kaysa matulad pa sa sinapit nila Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. at Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.
Kasunod nito, pabiro pang pinayuhan ni Espenido ang media na ibulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lugar na may pinakamatinding impluwensya ng droga upang duon siya ilipat.
Nagtungo kahapon si Espenido sa DOJ upang alamin ang inilabas na subpoena laban sa kaniya hinggil sa pagkakapaslang ng kaniyang grupo sa tinaguriang Ozamiz 9 nang magsagawa sila ng routine operations.
By: Jaymark Dagala / (Ulat ni Bert Mozo)