Naniniwala si outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Deputy Director General Leonardo Espina na walang anomalya sa allowance ng mga pulis noong nakalipas na Papal visit.
Binigyang diin ni Espina na siya mismo ang nag-request ng nasabing halaga para matiyak na hindi magugutom ang mga pulis sa mahabang oras ng kanilang duty.
Sinabi ni Espina na pinahahanda na niya sa Directorate for Comptrollership ang lahat ng kailangang dokumento para mai-account ang lahat ng pondo.
Hihingan din ni Espina ng paliwanag ang mga commander kung paano nila hinati-hati sa mga ang duty na pulis ang allowance.
By Judith Larino