Walang plano si acting Philippine National Police (PNP) Chief Deputy Director Leonardo Espina na pumasok sa pulitika sa oras na iwan niya ang serbisyo sa Hulyo.
Ayon kay Espina, ang kanyang pamilya naman ang kanyang bibigyan ng panahon kapag siya ay nakapagretiro na.
Nakatakdang tumuntong sa retirement age na 56 si Espina sa Hulyo 16 matapos ang kanyang 20 taong pagseserbisyo sa PNP.
Disyembre taong 2015 nang naging Officer in Charge sa PNP si Espina matapos na patawan ng suspension ng Ombudsman si PNP Chief Director General Alan Purisima dahil sa maanomalyang kontrata sa pagitan ng PNP at isang courier service.
By Rianne Briones