Nasa ligtas nang kalagayan si dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr. matapos ang pananambang sa kanya kagabi.
Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office Acting Provincial Director Police Colonel Redrico Maranan, stable na ang kondisyon ng opisyal gayundin ang iba nitong mga bodyguard.
Hindi pa matukoy sa ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang motibo habang nagpapatuloy pa ang ang kanilang pagkalap ng ebidensiya tulad ng CCTV footages sa pinangyarihan ng pananambang.
Ayon kay Maranan, humigit kumulang 10 suspek na posibleng miyembro ng professional gun for hire ang nasa likod ng pamamaril.
Namatay naman sa insidente ang isa sa mga bodyguard ni Espino.