Nagpahiwatig ng pangangamba ang Chinese Embassy sa Pilipinas matapos ang hinihinalang espionage operation ng isang chinese spy.
Giit ng embahada, walang basehan ang espekulasyon at mga akusasyon laban sa sinasabing Chinese citizen na si Deng Yuangin.
Dagdag pa nito, inilapit ng pamilya ni Deng sa kanila ang nangyari at nagpahiwatig ng pangangamba kaugnay sa kaligtasan at fair treatment ng mga otoridad dito.
Una nang sinabi ng Bureau of Immigration na mayroong permanent resident visa ang nasabing Chinese citizen nang ikasal ito sa isang Pinay nuong 2014 at kasalukuyang naninirahan sa Metro Manila. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo