Inirekomenda ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na simulan na rin ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa ibang essential workers.
Ito’y kahit hindi pa tapos ang pagbabakuna sa mga health worker na siyang nangungunang prayoridad sa listahan ng vaccine roll out.
Paliwanag ni Galvez, kailangan balansehin ang kaligtasan ng kalusugan ng mga health care worker kasabay ng pagpapanatili sa pagbuhay ng ekonomiya ng bansa.
Ani Galvez mainam kung sabay-sabay ang pribadong sektor at national government na mag-inoculate o simultaneous gawin ang pagbabakuna upang mas mapabilis gaya aniya ng ginawa ng US, Indonesia at Israel.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Galvez na inaasahan ang pagdating sa bansa ng 11.5-M dose ng bakuna mula Sputnik V sa ikalawang bahagi ng taon gayundin ang suplay mula sa Moderna at Novavax.