Magsisimula na ang pagbabakuna sa mga essential workers na kabilang sa A4 classification.
Kabilang sa A4 ang mga sumusunod na sektor:
- pampublikong transportasyon
- mga nagtitinda sa palengke, grocery at supermarket
- manggagawa sa food, beverage, medical, at pharmaceutical companies
- religious leaders
- security guards
- Overseas Filipino Workers
- media, at
- public at private employees na madalas humarap sa tao.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Spokesman Restituto Padilla, magkakaroon ng symbolic inoculation sa ika-1 ng Mayo bilang pagpupugay sa mga essential workers at iba pang uring manggagawa.
Inaasahan umanong mapapadali ang pagbabakuna sa mga nasa A4 classification dahil sa mga parating na bakuna kontra COVID-19.