Ibinaba na sa alert level 1 ang estado ng Bulkang Mayon.
Ito ayon sa PHIVOLCS ay dahil patuloy na bumababa ang mga naitatalang aktibidad ng nasabing bulkan kung saan sa nakalipas na anim na buwan ay umaabot na lang sa average na isang volcanic earthquake ang naitatala rito.
Simula January 2020 umaabot lamang sa 300 hanggang 700 tonnes per day ang average sulfur dioxide emission ng Bulkang Mayon na nasa mahina hanggang katamtamang lamang din ang steaming activity sa crater nito.
Gayunman tiniyak ng PHIVOLCS ang patuloy na pagbabantay sa aktibidad ng Bulkang Mayon na maaaring ibalik sa alert level 2 kapag tumaas din ang aktibidad nito.