Nasa normal nang estado ang Bulkang Mayon ayon sa PhiVolcs.
Inalis na ng Phivolcs ang Alert Level 1 sa naturang bulkan matapos mabawasan ang mga aktibidad nito gaya ng volcanic earthquake, ground deformation at gas emission.
Mula sa Alert level 2, ibinababa ito sa alert level 1 noong Hulyo 17, 2020 hanggang sa patuloy itong nagpapakita ng aktibidad.
Gayunman pinaalalahanan ng Phivolcs ang mga residente malapit sa bulkan na hindi pa rin nawawala ang tyansa na maitaas ulit ito sa alert level 1 sakaling magkaroon ulit ng volcanic activity.