Kontralado pa ang kaso ng dengue at COVID-19 sa bansa ayon sa Private Hospitals Associations of the Philippines Inc. (PHAPI).
Ito ang inihayag ng PHAPI kasunod ng mga ulat na pagtaas ng kaso ng dengue at COVID-19 sa bansa
Ayon kay PHAPI president Dr. Rene Jose De Grano dulot ito ng madalas na pag-ulan kaya nagkaroon ng mataas na kaso ng dengue nitong nagdaang dalawang linggo partikular sa Visayas at Mindanao.
Aniya karamihan sa mga nasasawi ay dahil sa komplikasyon habang karamihan sa kaso ng dengue ay nagagamot naman at wala pang napauulat na namamatay sa ngayon dulot ng sakit
Gayunpaman, lumabas sa mga ulat na 19 na ang namatay dahil sa dengue sa Zamboanga City 11 ang namatay sa Cebu City.
Pagtitiyak naman ni health undersecretary Myrna Cabotaje sa publiko kontrolado pa ang kaso ng dengue ng bansa, ngunit pinayuhan na nito ang mga health facility na maghanda para sa pagtaas ng admission, lalo ng mga bata.