Napansin ng international watchdog na Human Rights Watch (HRW) ang mas maayos na estado ng karapatang pantao sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa World Report 2024 ng HRW, pinagtibay ni Pangulong Marcos sa ilang international forums ang commitment nito sa karapatang pantao, kabilang na ang pag-imbita sa United Nations (UN) human rights experts sa Pilipinas.
Bukod dito, naglabas ang Pangulo ng apat na proklamasyong nagbibigay ng amnestiya sa mga dating miyembro ng rebeldeng grupo.
Samantala, ni-recalibrate din ni Pangulong Marcos ang anti-drug campaign ng nakaraang administrasyon kung saan mas nakatuon na ngayon sa paggamot at rehabilitasyon ng mga gumagamit ng ilegal na droga.