Lumala pa umano ang kundisyon ng mga kulungan sa Pilipinas dahil sa kampanya ng Administrasyong Duterte kontra iligal na droga.
Sa isang pahayag, sinabi ni Human Rights Watch Asia Deputy Director Phelim Kine na takot ang nagtulak sa mga drug user at pusher kaya sila nagsisuko sa mga otoridad.
Dahil dumagsa ang mga ito, punung-puno na ngayon, aniya, ang mga kulungan na nanganganib dahil sa isyu ng kalinisan at kalusugan.
Una nang nagsagawa ng imbestigasyon ang nasabing international human rights group sa estado ng mga kulungan sa bansa.
Napag-alaman nito na bigo ang mga bilangguang magbigay ng sapat na pagkain sa mga nakakulong at matugunan ang kanilang kalusugan, pati na rin ang kalinisan ng mga pasilidad batay sa itinakda ng United Nations.
By: Avee Devierte