Bahagyang gumanda na ang kondisyon ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSME’s) sa bansa ayon sa survey na isinagawa ng Asian Development Bank (ADB).
Ayon sa ADB, matapos ang anim na buwang pagpapatupad ng quarantine measures bahagyang bumuti na ang estado ng negosyo sa MSME’s.
Noong Marso at Abril 70% ng MSME’s ang nagsuspinde ng operasyon dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng lockdown measures.
Ngunit pagdating umano ng Agosto at Setyembre, nabawasan ang bilang ng MSME’s na nananatiling tigil-operasyon.
Dahil dito masasabi na umanong unti-unti na talagang nagbubukas at bumabangon ang ekonomiya ng bansa.