Kinumpirma ni Department of Health Officer in Charge Maria Rosario Vergeire na hindi agad-agad aalisin ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang estado ng public health emergency dahil sa Covid-19.
Nabatid na nakipagpulong si PBBM kay World Health Organization Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Ayon kay Vergeire, mayroong kamakailang pagpupulong sa mga matataas na opisyal ng World Health Organization (WHO) na nagpapasya sa public health emergency.
Gayunman, pag-iisipan pang mabuti ng Pangulo ang pag-aalis ng State of Emergency dahil sa Covid-19. —sa panulat ni Jenn Patrolla