Ibinaba na sa hightened alert mula sa full alert status ang estado ng alarma sa National Capital Region (NCR).
Ginawa ito ni Director Guillermo Eleazar kasunod ng deklarasyon ng pamunuan ng Philippine National Police o PNP na sarado na ang kaso ng pambobomba sa Jolo Sulu na ikinasawi ng dalawampu’t dalawa (22) katao.
Ayon kay Eleazar, maliit lamang naman ang pagkakaiba ng full alert at hightened alert.
Mababawasan lamang aniya ang bilang ng checkpoints subalit magpapatuloy ang deployment ng mga pulis at pangangalap ng mga impormasyon.
—-