Umabot sa 8.9% o 4.25 milyon ang mga Pilipinong walang trabaho sa bansa nitong Setyembre base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Tumaas ito mula sa 8.1% noong Agosto.
Habang umabot naman sa 6.18 milyon ang under employment noon ding Setyembre kung saan mas mababa ito sa 6.48 milyon na naitala noong Agosto. —sa panulat ni Airiam Sancho