Bumubuti na ang estado sa mga pasilidad ng Bureau of Management And Penology (BJMP) sa harap ng patuloy na banta ng COVID-19.
Ayon kay BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda, 88 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa mga piitan.
Karamihan umano sa halos 2,000 preso na tinamaan ng nakahahawang sakit ay naka rekober na.
Umabot sa 1,987 ang kabuuang kaso ng COVID-19 na naitala sa mga persons deprived of liberty habang 25 ang naitalang pumanaw dahil sa sakit.
Samantala, nakapagtala naman ng 1,017 BJMP personnel na nagpositibo sa COVID-19 ngunit sa ngayon at 32 na lang ang aktibong kaso.