Binalaan ng Estados Unidos ang Iran kapag itinuloy nito ang balak na pagkalas nuclear deal.
Ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo, galit ng buong mundo ang haharapin ng Iran kung kanilang itutuloy ang paggawa ng mga nuclear weapons.
Umaasa naman si Pompeo na hindi hahantong sa isang military action ang usaping ito.
Una rito, nagpahayag si Iranian Deputy Foreign Minister Abbas Araghi na sila ay aatras sa nuclear deal kung hindi sila makakakuha ng sapat na finacial guarantees mula sa Europa.