Handa ang Estados Unidos sakaling magkaroon muli ng Ebola outbreak sa buong mundo.
Ito ay matapos lumala ang pagkalat ng Ebola sa uganda na inaasahang kakalat hanggang US.
Ayon kay CDC Spokesperson Kristen Nordlund, naghanda na sila ng programa at gawain sakaling kumalat ang nasabing virus.
Maliban dito ay nagsagawa ng exercise ang US Centers for disease control and prevention at sadministration for strategic preparedness and response, sa oras na lumala ang epekto ng virus.
Sa huling datos,136 na ang kaso ng Ebola sa Uganda, kung saan 53 ang nasawi.