Hihigpitan na ng Estados Unidos ang pagpapatupad nito ng visa waiver program.
Nangangamba ang mga kinauukulan na madaling makakapasok sa Estados Unidos ang mga teroristang nasa likod ng madugong Paris attack noong nakaraang taon.
Ito ay dahil sa ilang miyembro ng Islamic State ay gumagamit umano ng European passport.
Sa ilalim kasi ng lumang Sistema, ang mga mamamayan mula sa 30 mga bansa na karamihan ay mga taga -Europa ay maaaring makapagbiyahe sa Estados Unidos ng 90 araw nang walang visa.
Pero ngayon, kailangan na nila ng visa lalo pa kung bumiyahe ang isang indibidwal sa mga bansang Iran, Iraq, Sudan at Syria mula Marso 1 taong 2011.
By Ralph Obina