Kumalas na ang Estados Unidos sa United Nations Human Rights Council kasabay ng akusasyon ng pagiging ant-Israel nito.
Ayon kay US Ambasador to the United Nations Nikki Haley, tanging mga human rights abuser lamang ang pinoprotektahan ng human rights council sa mahabang panahon.
Iginiit din ni Haley, hindi na nila nais pang sumailalim sa isang ipokrito at makasariling organisasyon na kumukutiya sa karapatang pantao.
Ang pasiya ng pamahalaan ng Estados Unidos ay kasunod na rin ng ginawang pagtalakay ng UN Human Rights Council sa Immigration policy ni President Donald Trump na posibleng magdulot ng paghihiwalay ng mga batang immigrants sa kanilang mga magulang.
—-