Buo ang tiwala ni US President Joe Biden na manunumbalik na sa normal ang sitwasyon ng kanilang pamumuhay sa Estados Unidos pagsapit ng July4.
Sa isang pahayag, sinabi ni Biden na ito’y kung mababakunahan na ang lahat ng kanyang mga nasasakupan sa aprimero ng Mayo.
Mababatid na sa Estados Unidos, nabibigyang prayoridad ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga edad o kaya naman ay kundisyon ng kanilang mga kalusugan.
Samantala, nauna nang ipinangako ni Biden sa kanyang unang 100 araw na mababakunahan ng kanilang pamahalaan ang nasa 100 milyong mga Amerikano bago sumapit ang ika-20 ng Marso.