Nagpadala na ng special forces ang Estados Unidos sa Syria para tumulong sa paglaban ng anti government rebels kontra Islamic State.
Ayon sa US, kulang -kulang nasa 50 sundalo ang kanilang ideneploy sa rehiyon.
Ito ang unang pagkakataon na mismong mga sundalong Amerikano na ang maglulunsad ng operasyon kontra IS sa Syria.
Una rito, ang mga naunang ipinadalang sundalong kano sa Syria ay nagsisilbi lamang na tagapagsanay ng mga rebelde.
By Ralph Obina