Nasa 1,000 gas masks ang ibinigay ng US Military sa Philippine Navy.
Ito ay bahagi ng commitment ng Amerika na pagsuporta sa mga sundalong Pilipino na nakikipagbakbakan sa pwersa ng Maute ISIS Group sa Marawi City.
Ayon sa US Embassy, ang M-40 field Protective Mask at C-2 filter canister ay bahagi ng request ng Philippine Navy para paghandaan ang anumang chemical threats.
Sa ilalim ng Philippine –US Mutual Logistics Support Agreement, may karapatan ang Armed Forces of the Philippines na tumanggap ng military equipment at security assistance packages mula sa Estados Unidos.
Matatandaang nuong nakaraang Hulyo, dalawang surveillance plane naman ang tinanggap ng defense department mula sa Amerika.
By: Rianne Briones
SMW: RPE