Kung makikita mo ang lalaking ito sa airport, maniniwala ka ba na isa lamang siyang statue o estatwa?
Kung ano kwento sa likod ng viral na estatwa na ito, alamin natin.
Sa isang video makikita ang isang lalaking komportable at mahimbing na natutulog sa gitna ng airport at nakasandal pa sa kanyang mga bagahe.
Sa unang tingin, talaga nga namang nakapanlilinlang ang lalaki at aakalain mo na isa itong tunay na tao.
Pero ang totoo, isa lamang itong hyper-realistic statue na ginawa ng sculptor na si Duane Hanson na tinatawag na ‘The Traveler’.
Kilala si Hanson sa kanyang mga likha na nagpapakita ng mga tunay na pangyayari sa buhay ng mga tipikal na tao sa Amerika. Sa katunayan, mayroong dalawang versions ang The Traveler.
Sa pangalawang bersyon naman ay natutulog pa rin ang lalaki ngunit iba na ang kasuotan nito pero pareho lamang sila na gawa sa kinulayang oiled bronze, mga damit, buhok, duffel at sleeping bag, wooden sticks, at paper tickets.
Matatagpuan ang The Traveler sa Terminal A ng Orlando International Airport na naka-display doon simula pa noong 1986 pa.
Bukod pa rito, mayroon pang isang hyper-realistic statue na nilikha ni Hanson na tinatawag na ‘Vendor with Walkman’ na siya namang naka-display sa Terminal 3 ng Fort Lauderdale—Hollywood International Airport simula pa noong 1990.
Ikaw, anong masasabi mo sa nakabibilib na likha at talento ni Duane Hanson?