Sinimulan na ng PRRC o Pasig River Rehabilitation Commission ang paglilinis sa Estero de Binondo sa lungsod ng Maynila.
Ito’y makaraang mag-viral sa social media ang mga larawan hinggil sa tambak na basurang nakabara sa naturang estero na pangunahing sanhi ng pagbaha sa naturang lugar.
Kahapon, nagsagawa ng clean-up drive ang PRRC mula sa panulukan ng Muelle de Binondo at Juan Luna sa naturang lungsod na kinabibilangan ng PRRC River Warriors, river patrols at iba pang mga tauhan nito.
Ayon sa PRRC, naglagay na sila ng mga garbage trap sa mga daluyan ng estero upang maiwasang dumaloy ang mga tambak ng basura patungong ilog Pasig.
Kasunod nito, umapela ang PRRC sa mga opisyal ng barangay sa naturang lugar na makipagtulungan sa kanilang proyektong muling buhayin ang Ilog Pasig gayundin ang mga esterong konektado rito.
Posted by: Robert Eugenio