Nagpaabot na ng pagbati si dating Pangulo at outgoing Manila Mayor Joseph Estrada kay dating Vice Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nanalo sa mayoralty race noong May 13 midterm elections.
Ayon kay Estrada, ilalatag na niya ang maayos na turnover ng city government kay Moreno.
Magugunitang iprinoklama si domagoso na susunod na alkalde ng Maynila matapos talunin ang mga beteranong pulitiko na sina Estrada at dating Mayor Alfredo Lim.
Samantala, nagpasalamat naman ang dating pangulo sa kanyang mga supporter.