Ipinagmalaki ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa World Bank ang estratehiya nito sa pagbabakuna na lumabas na naging epektibo.
Sagot ito ng gobyerno sa inilabas na reports ng World Bank na nahuhuli ang Pilipinas sa antas ng pagbabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette at paghahanda sa 2022 National Election ang COVID-19 vaccination ng Pilipinas.
Pero sa kabila nito, patuloy na naging committed ang bansa na mabakunahan ang maraming Pilipino laban sa virus.
Tinatayang nasa 57 milyon na ang fully vaccinated sa bansa habang 59.6 na milyon ang nakatanggap ng unang dose. —sa panulat ni Abby Malanday