Muling ibinalik ng Navotas City ang dating taktika na Vax 1, take 1 kung saan babakunahan ang mga bata edad 12 hanggang 17 kasabay ang mga guardians nito.
Kung saan makakakuha rin ng shots ng Pfizer vaccine ang mga hindi pa bakunadong magulang na kasama ng mga kabataan sa kanilang pagbabakuna kontra COVID-19.
Nagsimula ang programang ito ng Navotas noong Hulyo, kung saan target na mabakunahan ang mga senior citizens kasabay ang adult companion nito.
Para makapagpaiskedyul ng bakuna, mag sign-up lamang sa opisyal website ng lungsod (covax.navotas.gov.ph) at magsumite ng mga kinakailangang dokumento.—sa panulat ni Joana Luna