Mahigit 70% nang kumpleto ang Estrella-Pantaleon Bridge sa kasalukuyan.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, 72% nang kumpleto ang tulay at target anilang buksan ito sa motorista sa ikalawang bahagi ng 2021.
Ang P1.46-bilyong halaga ng widening at modernization ng Estrella-Pantaleon Bridge ay makapag-aaccomodate ng tinatayang 50,000 motorista kada araw oras na matapos ito.
Nagdudugtong ito sa Estrella Street sa Makati City at Barangka Drive sa Mandaluyong, dahilan para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Guadalupe Bridge sa EDSA.