Sasailalim sa psychosocial counseling ang mga estudyante at guro sa unang linggo ng pagbubukas ng klase.
Ito ang inihayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones para umano makasabay ang lahat sa “new normal”dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ani Briones, dapat na maihanda ang mga bata maging ang mga guro sa mga bagong paraan ng pag-aaral na kanilang isasagawa.
Ang psychosocial counseling umano ay bahagi ng Learning Continuity Program ng DepEd sa kabila ng nararanasang COVID-19 crisis.