Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na hindi mamarkahang absent ang mga estudyanteng liliban sa klase para magpabakuna.
Sinabi ni DepEd Bureau of Learner Support Services School Health division chief Dr. Maria Corazon Dumlao, na ang hakbang ay parte ng inisyatiba ng kagawaran upang suportahan ang pediatric vaccination ng pamahalaan.
Aniya, ang mga estudyanteng nakatakdang bakunahan sa panahon ng school days ay excuse sa klase bilang bahagi ng miscellaneous provisions.
Sinabi pa ni Dumlao na ang mga magulang o guardian na isang empleyado at sasamahan ang kanilang mga anak upang magpabakuna, ay hindi dapat ituring na absent sa trabaho.