Arestado ang isang estudyante na nagtangkang mangikil sa kapwa nito mag-aaral gamit ang e-wallet na G-cash sa Guagua, Pampanga.
Nahuli ng PNP Anti-Cybercrime Group ang nasabing estudyante sa isang entrapment at kinilala ito bilang si Joshua Sampang, 21- taong gulang.
Batay sa biktima, nakausap niya online ang suspek na gumamit ang pekeng Facebook account kung saan nakumbinsi siyang magpadala ng mga maseselang larawan.
Dito na sya binantaan ng suspek na ikakalat ang kanyang mga larawan at videos kung hindi siya magpapadala ng pera gamit ang E -wallet.
Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing suspek na nahaharap sa kasong Grave Coercion; paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and Children Act; RA no. 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009; at RA no 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.