Patay ang isang mass communication student matapos na mahulog sa isang condominium building habang nagse-selfie sa Ermita, Maynila.
Ayon kay PO3 Al Layugan ng Manila Police District (MPD), kinilala ang biktimang si Cristina Marie Pagalilauan na estudyante ng Adamson University.
Sa salaysay ni Jonea Mildred Ani, kaibigan ng biktima, nagtungo sila ng biktima sa condo unit ng boyfriend nito sa Dahlia Tower Suntrust Park View Condomium sa Natividad Street upang magkulay ng buhok.
Gayunman, nagbago ang kanilang plano nang magkaayaan silang magtungo sa ika-20 palapag nito sa roofdeck ng building upang kumuha ng selfie pics.
Inakyat umano ng biktima ang pader sa tuktok ng gusali upang magamit bilang background ang sunset.
Kitang-kita umano niya nang mawalan ng balanse ang kaibigan at tuluyang mahulog habang nagse-selfie.
By Rianne Briones