Patay ang isang estudyante ng University of Mindanao (UM). Habang sugatan ang isa pa sa isinagawa umanong hazing ng fraternity na Akrho– Alpha Delta chapter sa buhangin, Davao City.
Kinumpirma ng Office of the President ng UM na 4th year student ng College of Criminal Justice ang nasawing biktima.
Kinondena rin ng pamunuan ng unibersidad ang nasabing krimen at iginiit na bawal ang lahat ng fraternity sa paaralan sa ilalim ng Republic Act 8049 o Anti-Hazing Law.
Hindi rin kinikilala ng paaralan ang nasabing fraternity group, maging ang kanilang mga aktibidad at miyembro.
Handa namang magbigay ng tulong ang pamantasan sa pamilya ng mga biktima at makipagtulungan sa imbestigasyon ng pulisya.