Himas rehas ngayon ang 17-anyos na Grade-9 student matapos makuhanan ng pekeng baril ng rumespondeng mga pulis sa Navotas City.
Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, nagsasagawa ang mga tauhan ng Navotas police sub-station 4 ng Oplan Sita sa kahabaan ng Lapu-Lapu St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan sa nasabing lungsod dahil may isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at ini-report ang grupo ng mga menor-de-edad na nanggugulo umano sa lugar.
Agad na pinuntahan ng mga pulis ang naturang lugar at nakita nila ang grupo ng mga kabataan kung saan, inaresto ang isang 17-anyos na naaktuhang may hawak ng pekeng baril habang tumakas naman ang iba pang mga kasamahan nito.
Kasong paglabag sa RA 10591 (The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in Relation to Omnibus Election Code ang inarestong menor-de-edad.—sa panulat ni Angelica Doctolero