Lumutang ngayon ang isang estudyante para bigyang linaw ang inilabas na CCTV footage ng MPD o Manila Police District kung saan nakuhanan ang itinuturong pangunahing suspek sa pagpatay sa hazing victim na si Horacio Castillo III.
Sinabi ng hindi pinangalanang estudyante na siya ang nasa video footage at hindi si John Paul Solano.
Ngunit nilinaw nito na wala siyang anumang kinalaman sa kaso ng pagkamatay ng freshman student na si Castillo.
Tiniyak naman ng Manila Police District na walang magiging pananagutan ang lumutang na estudyante sa itinatakbo ng kanilang imbestigasyon sa nasabing kaso.
Wala po, considering na alam naman natin na ‘yung pina – conduct nating man – hunt operation na pinangalanan po natin ‘yung tatlong suspek.
‘Yung tatlong suspek po we would like to emphasize ‘yung kanilang pangalan.
They are John Paul Solano, Antonio Trangia and of course Mr. Ralph Trangia.
- MPD Spokesperson Supt. Erwin Margarejo