Pinatawan ng parusang ‘dismissal’ ang Junior High School student na nahuli sa viral video na nam-bubully ng kapwa niya estudyante sa loob ng isang comfort room sa Ateneo de Manila University.
Ito ay matapos kausapin ng pamunuan ng Ateneo ang dalawang partidong naugnay sa bullying incident bilang bahagi ng inilunsad na imbestigasyon ng unibersidad.
Ibig sabihin nito, hindi na maaring mag-enroll o bumalik pa ulit ang naturang estudyante sa nabanggit na paaralan.
Dahil dito, isang task force na rin ang binuo ng school administrators upang panatilihin ang bully-free environment sa loob ng campus at nangakong hinding hindi palalagpasin ang anumang uri ng insidente ng pam-bubully o pang-haharass sa kapwa estudyante.
Matatandaan na kumalat sa social media ang video ng bullying incident sa Ateneo kung saan ay huling huli sa camera ang ginawang pananakit ng estudyante sa iba pang mag-aaral matapos papiliin kung “Bugbog o Dignidad?”