Palalakasin pa ng Eternal Chapels Cabuyao ang operasyon nito.
Kasunod na rin ito nang pagdiriwang ng Eternal Chapels Cabuyao ng ikalawang anibersaryo nito nuong Miyerkules, September 28.
Isang misa ang nagsilbing hudyat nang pagdiriwang bilang pasasalamat sa anibersaryo ng Eternal Chapels Cabuyao na dinaluhan ng officers at staff ng Eternal Gardens at Eternal Chapels gayundin ng barangay at local officials ng Cabuyao, Laguna.
Kabilang sa mga nakiisa sa pagdiriwang ng Second Anniversary ng Eternal Chapel Cabuyao sina Eternal Gardens Cabuyao branch Manager Alexander Atienza, President and COO Numeriano B. Rodrin, Barangay Mamatid SK chairman Raul Lapaz, Jr., Barangay Mamatid chairman Jervis R. Himpisao, Eternal Gardens Executive officer Dannica Nicole A. Cabangon, Finance Manager Rose Donor, Assistant PR Manager Ivee Johnson, Eternal Chapels Assistant Vice President for Operations Angelito D. Twaño, and Eternal Gardens MIS Manager Geoffrey C. Coberos.
Gayundin sina Rose Manimtim, Helen de Leon, Gladys Bautisma, mga kinatawan ng Barangay Marinig; Barangay Casile Chairman Paulino C. de Leon, Barangay Diezmo Chairman Nolasco A. Manimtim, Barangay Poblacion Uno chairman Raul S. Ramos at Barangay Counselors Baltazar Rodrigez at Michael Juliano.
Kabilang sa mga serbisyong alok ng Eternal Chapel na matatagpuan sa loob ng Eternal Gardens Cabuyao sa Barangay Mamatid ay kumpletong mortuary at chapel services bukod pa sa maayos nitong family rooms, mayruong 24 hour security, libreng Wi-Fi at malawak na parking space.
Ang Eternal Chapels sa ilalim ng Eternal Gardens ay isa sa mga bumubuo sa ALC Group of Companies na pinangangasiwaan ni D. Edgard Cabangon.