Pinalawig ng Eternal Gardens Lipa ang mga serbisyo nito sa lungsod matapos ang isang ceremonial signing para sa three hectare property deal na napasakamay ng Eternal Gardens Lipa mula sa Abacore Capital Holdings sa pamamagitan ng Executive Vice President nitong si Arturo Magtibay.
Ang naturang deal ay itinuturing na malaking hakbang para sa Eternal Gardens Lipa na itinatag nuong 1992 bilang ika- limang branch ng Eternal Gardens.
Iaalok sa expansion area ang memorial properties kabilang ang lawn, garden property, heritage estate at family estate na patunay ng commitment ng eternal gardens na mag-develop ng memorial parks para sa mga Pilipino.
Ayon kay D. Edgard Cabangon, Chairman at CEO ng Eternal Gardens, ang pagbili nila sa nasabing property ay hindi lamang bilang expansion ng negosyo kundi pagpapalawig din ng kanilang puso at misyon gayundin ay patunay nang hindi matatawarang legacy of compassion and excellence na tatak ng amang si Ambassador Antonio Cabangon Chua na siyang bumuo ng mga prinsipyong pinanghahawakan nila sa pangangasiwa at pagtahak sa mga negosyo ng pamilya.
Kabilang sa mga dumalo sa ceremonial signing si Batangas Governor Hermilando Mandanas na nagpaabot ng suporta at pasasalamat sa eternal gardens gayundin sa buong ALC Group of Companies sa malaking tulong ng mga negosyo ng pamilya Cabangon sa mga taga Batangas.
Bukod sa Lipa City may tanggapan din ang Eternal Gardens sa Balagtas at Concepcion na nagbibigay ng the best memorial care sa mga residente rito.