Nakumpleto na ng Eternal Gardens ang pagbili ng iba’t ibang property sa Barangay Patag, Opo, Misamis Oriental kung saan itatayo ang ika-12 Memorial Park ng nasabing kumpanya.
Kasunod na rin ito nang idinaos na contract signing sa Cagayan De Oro City na sinaksihan nina Eternal Gardens Vice President for Sales and Marketing Jose Antonio Rivera, Vice President for Finance Marvin C. Timbol, Cagayan De Oro Branch Manager Amor Leodones, Property Owners Atty. Rosemil Robles Bañaga and Macario Bañaga; Sharon Tan, Eternal Gardens Chairman and Chief Executive Officer D. Edgard A. Cabangon, Property Owners Ricarido King, Rosalinda King, Roselle King, Marife Mag-Away, Luis Mag-Away, Aris Simene at Joel Simene.
Taong 2014 nang makuha ng Eternal Gardens ang ownership at management ng Greenhills Memorial Park sa Barangay Buluan, Cagayan De Oro City at siyang kauna-unahang memorial park ng kumpanya sa Mindanao.
Dahil sa nakitang demand para sa mas marami pang memorial park sa Misamis Oriental, nagpasya ang Eternal Gardens na mag develop ng isang memorial park sa bayan ng Opol na maituturing na excellent memorial care products and services na tanging ang kilalang memorial park developer lamang ang makakagawa para mas paglapitin ang mga Pilipino sa Mindanao.
Simula 1976, ang Eternal Gardens ay nakapag develop na ng 11 parks na matatagpuan sa mga pangunahing lungsod sa bansa at ito ay bahagi ng Eternal Memorial Group na kinabibilangan ng Eternal Chapels, Eternal Crematory Corporation at Eternal Plans gayundin ng mas malaki pang organisasyon, ang ALC Group of Companies na itinatag ni yumaong dating Ambassador Antonio Cabangon Chua at pinangangasiwaan ngayon ng Chairman nitong si D. Edgard Cabangon.