Determinado ang Eternal Gardens na patuloy na pamamayagpag bilang prime developer ng first class memorial parks sa bansa at provider ng top quality memorial care products at services.
Kasunod na rin ito nang pagdiriwang ng Eternal Gardens ng ika-46 na anibersaryo nito ngayong buwan.
Sa halos 5 dekadang pangingibabaw sa industriya, patuloy na pinanghahawakan ng Eternal Gardens ang vision ng founder nitong si Ambassador Antonio Cabangon Chua para mapaigting ang commitment at compassion nito upang matulungan ang mga pilipinong makaagapay sa hirap nang mawalan ng mahal sa buhay at makapaghanda sa pangangailangan ng bawat pamilya sa mga susunod na panahon.
Tiniyak ng pamunuan ng Eternal Gardens ang pinagandang mga serbisyo nito may kaugnayan sa modern mortuary and chapel facilities.
Binigyang diin ni D. Edgard Cabangon, chairman ng Eternal Gardens na palalakasin nila ang kampanya para maging aware ang publiko sa mga benepisyo nang paghahanda sa mga contingency ng buhay.
Ang eternal gardens ay mayruong sangay sa Balintawak, Quezon City, Sta. Rosa at Cabuyao sa Laguna, Dagupan City, Pangasinan, Greenhills, Cagayan de Oro City at Naga City.
Eternal Gardens – a glimpse of heaven on a patch of earth!