Handa na ang pamunuan ng Eternal Gardens Memorial Park Eternal Crematory & Chapel sa Baesa, Caloocan City para sa nalalapit na Undas.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Marinelle Garcia, Branch Manager ng Eternal Gardens sa Baesa, na mula pa noong nakalipas na linggo ay umabot na sa 6,000 ang bumisita sa sementeryo at inaasahan aniyang dodoble pa ito.
Ang schedule aniya ng visiting hours ay mula ala sais ng umaga hanggang ala sais ng gabi lamang mula October 29 hangang November 2.
Ang visiting hours po natin po sa Eternal Gardens is 6am to 6pm lang po. So yung may mga bata po na kasama mas okay po siguro na kung 5 years old and a above… okay po sige… ready po natin agad ag mga vaccine card pero kung below 5 y/o po mas okay na huwag na lang po natin isama…
Dapat aniyang fully vaccinated ang mga edad limang taong gulang pataas na bibisita sa sementeryo alinsunod na rin sa ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.
Mas okay po na kung magta-travel tayo sa malayo from outside Manila po then… mas maganda before 6 nandoon na tayo kasi mahirap po… hindi na po kasi tayo nagpapasok talaga ‘pag dumating na po yung 6pm. Yun po ang laging nagiging problem natin po eh, sinasabi ng ibang visitors galing pa po sila sa malayo… na-traffic sila. kapag ganun po kasi strict implementation ng local government na till 6pm po tayo…