Tiniyak ng pamunuan ng Eternal Gardens sa Baesa, Novaliches na 100% na silang nakahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita sa kanilang mga yumaong minamahal sa buhay.
Ayon kay Ginoong Romy Sta. Cruz, branch manager ng Eternal Gardens Baesa, nagsimula nang dumagsa ang mga dumadalaw simula kahapon kung saan nasa 40% na ng kanilang inaasahang bilang ng tao ang dumating.
Dagdag ni Sta. Cruz, 6:00 pa lamang ng umaga ng Oktubre 31 ay bukas na ang Eternal Gardens para sa mga magnanais na dumalaw at tuloy-tuloy na ito hanggang hatinggabi ng Nobyembre 1.
Pagtitiyak pa ni Sta. Cruz, nakipag-ugnayan na din sila sa mga lokal na pamahalaan ng Caloocan at Quezon City, barangay at pulisya para sa seguridad at pagsasaayos ng trapiko sa loob at labas ng Eternal Gardens.