Ikinukunsider ng DOH ang ethical issues sa usapin ng booster shots.
Ipinabatid ito ni Health Secretary Franciscod Duque, III lalo pa’t maraming Pilipino pa aniya ang hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.
Inihayag ni Duque na patuloy na pinag aaralan ng Vaccine Expert Panel at all experts groups hinggil sa COVID-19 vaccines, ang mga polisiya sa booster shots.
Mahirap aniyang maging panuntunan na bigyan ng booster dose ang mga nakatanggap na ng kumpletong bakuna subalit paano yung iba pang kahit isang dose ay hindi pa natuturukan na malinaw na ethical issue.
Iginiit ni Duque na maging ang World Health Organization ay hindi pa inirerekomenda ang booster shots dahil kapos ang supply ng COVID-19 vaccines partikular sa low at middle income countries tulad ng Pilipinas.