Pormal nang inihain ng Kamara De Representantes sa Senado ang ethics complaint laban kay Sen. Leila De Lima.
Tumayo bilang respondents sa reklamo sina House Speaker Pantaleon Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Fariñas at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na siyang Chairman ng House Justice Committee.
Nag-ugat ang nasabing reklamo dahil sa umano’y pagpigil ni De Lima sa kanyang dating driver-lover na si Ronnie Dayan na dumalo sa imbestigasyon ng Kongreso hinggil sa umano’y illegal drug trade sa NBP o New Bilibid Prison.
Si De Lima ay nasa official trip sa ibang bansa nang ihain ng grupo ni Alvarez ang reklamo sa Senate Committee on Ethics na pinamumunuan ni Senate Majority Leader Tito Sotto.
By: Meann Tanbio