Naghain na ng ethics complaint si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon laban kay Senador Panfilo Lacson.
Tinawag na “liar” o sinungaling ni Faeldon si Lacson dahil sa ibinunyag nito kaugnay sa operasyon ng Customs gayung ang anak nitong si Pampi ay mayroong bilyong pisong negosyo sa nasabing ahensya.
Sinabi sa DWIZ ni Faeldon na naniniwala siyang susulong ang isinampa niyang reklamo laban kay Lacson dahil sa mga hindi makatuwirang paninira nito laban sa kaniya.
“The immunity does not allow them to lie or go over the rights of innocent people like me, guaranteed din yan sa ating Constitution, bakit pinapayagan ba yan ng immunity nila? eh di burahin na lang natin ang Bill of Rights kasi meron palang mga senador na puwede nilang tapakan ang ating karapatan, yan ang lilinawin natin, I think it cannot be resolved here, that’s why we have to find another venue for that, but this ethics complaint is about Lacson lying, lying to destroy me.” Pahayag ni Faeldon
(Ulat ni Cely Bueno)