Pag – aaralan pa ni Sen. Richard Gordon kung kanyang itutuloy ang Ethics Complaint laban kay Sen. Leila de Lima.
Ito ay makaraang mag sorry ang Senadora sa publiko, hinggil sa kanyang mga inasal sa pagdinig sa extra judicial killings.
Sinabi ni Gordon na kanya nalang ipagdarasal si De Lima at tutukan ang pagtatapos ng pagdinig sa isyu.
Umaasa din si Gordon na mapagtatanto ni De Lima na naging patas siya sa paghawak ng imbestigasyon.
By: Katrina Valle / Cely Bueno