Dedesisyunan ng Senate Committee on Ethics sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo ang ethics complaint ng Kamara laban kay Senador Leila De Lima.
Inihayag ito ni Majority Floorleader Vicente “Tito” Sotto III, chairman ng ethics committee, makaraang makapagsumite ang Kamara ng counter-affidavit sa naging sagot ni De Lima.
Ayon kay Sotto, magpapatawag siya ng all-members caucus kapag nagbalik ang sesyon para alamin kung magsasagawa pa sila ng full blown hearing o magdedesisyon na lamang alinsunod sa mga naisumiteng dokumento.
Kailangan na aniya nilang madaliin ang pagdedesisyon sa isyu upang hindi maakusahan na pino-protekhan o kaya’y pinahihirapan si De Lima na kasalukuyang nakapiit sa Kampo Crame.
By Meann Tanbio |With Report from Cely Bueno