Tama sa balangkas at may sapat na basehan.
Ito ang desisyon ng Senate Ethics Committee sa reklamong inihain ni Senador Richard Gordon laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Ito ay kaugnay sa naging akusasyon ni Trillanes sa pagdinig ng Senado hinggil sa nakalusot na shabu shipment sa Bureau of Customs o BOC kung saan tinawag nitong komite de abswelto ang Blue Ribbon Committee at nagsisilbi umanong abogado ng mag-bayaw na Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio si Gordon.
Ayon kay Senate Ethics Committee Chair Tito Sotto, bibigyan ng 10-araw si Trillanes para magkomento sa naturang desisyon at matapos ay bibigyan din ng 10-araw si Gordon para sumagot.
Tinatayang nasa dalawang buwan aniya bago madesisyunan ng komite kung papatawan ng parusa si Trillanes sa pamamagitan ng pagsuspinde dito o kaya ay tuluyang pagkakasibak bilang senador.
(Ulat ni Cely Bueno)